15-anyos pababa sinasanay ng sindikato ng droga

Mga menor-de-edad na nasa gulang na 15-anyos pababa ang sinasa­bing sinasanay ngayon ng sindikato ng ilegal na droga para gamitin nila sa pagtu­tulak ng droga sa mga kal­sada. Dahil dito, magka­tulong ngayon ang Philip­pine Drug Enforce­ ment Agency (PDEA) at Dangerous Drugs Board (DDB) sa pag­babantay sa sinasa­bing operasyong ito ng sindikato.

Pinaigting ng PDEA ang kanilang intelligence network  ukol sa naturang ulat, habang nakatakda naman umanong magre­ko­menda ang DDB ng pag-amiyenda sa Republic Act 9344 o “Juvenile Jus­tice and Welfare Act of 2006”  upang makapagsa­gawa ng pag-aresto at imbestigasyon ang mga awtoridad sa mga kabata­ang sangkot sa krimen lalo na sa ilegal na droga.

Inihayag din ng PDEA ang pagtaas ngayon ng presyo ng shabu sa kal­sada na aabot na ngayon ng P9,000 kada gramo buhat sa dating P2,200 nitong nakaraang Pebrero. (Danilo Garcia)

Show comments