Nasira ang mukha ng isang magandang dalaga nang walang awang bugbugin siya ng isang tomboy na kanyang binasted kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.
Kasalukuyang nakaratay ngayon at inoobserbahan sa Navotas Lying Clinic sanhi ng mga tinamong pasa, bukol at mga galos sa mukha at katawan ang biktimang si Richelle Rodriguez, 24, ng #29 Ignacio St., Brgy. North Bay Blvd. North ng nabanggit na lungsod. Kaagad namang tumakas ang suspek na si Crystal Padua, at naninirahan sa Los Martirez St., Brgy. San Jose, Navotas City.
Naglalakad ang biktima nang salubungin siya ng suspek at walang habas siyang bugbugin nito at halos mawalan ng malay ang dalaga bago mabilis na tumakas si Padua.
Ayon sa biktima, matagal nang nanliligaw sa kanya ang suspek at dahil sa kapwa sila babae ay wala siyang nararamdamang pagkagusto dito kung kaya’t nagtanim ito ng galit sa kanya ng biguin niya ito. (Lordeth Bonilla)