2 kelot sugatan sa bomba
Sugatan ang dalawang lalaki habang limang sasakyan ang nasira nang sumabog ang isang bomba na inihagis ng dalawang hindi nakikilalang lalaki na sakay ng motorsiklo kahapon ng umaga sa Pandacan, Maynila.
Ginagamot sa Ospital ng Maynila sanhi ng mga tama ng sharpnel sa hita ang biktimang si Reynaldo Yabut, 62, ng Brgy. 865 Zone 93 habang sa Philippine General Hospital naman ginagamot si Arturo Dominguez, 66, guwardiya, ng 1901-D-Zamora st. Pandacan.
Sa ulat ni Senior Insp. Oliver Navales ng MPD-EOD,dakong alas-2 ng madaling-araw nang maganap ang pagsabog sa harapan ng bahay ng negosyanteng si Anita Buce, sa 2056 corner Pres. Quirino Ave., at Paradise St., Pandacan.
Nakaupo ang mga biktima nang biglang dumaan ang motorsiklo sakay ang mga suspek at biglang inihagis ang dala nilang bomba. (Grace Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending