^

Metro

Usisero tinodas ng kapitbahay

-

Dahil sa pag-uusyoso sa nag-aaway na kapitbahay, isang ama ng tahanan ang nasawi habang agaw-buhay naman ang kumpare nito makaraang kapwa pagsa­sak­sakin sila ng isang aburido at nag-amok na mister kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital sanhi ng mga tama ng sasak ng screw driver sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang bikti­mang si Michael Balbacina, 31, ng #2277 F.B. Harrison St., Pasay City.

Ang kaibigan at kumpare naman nitong si Leonardo Beronibza, 38, resi­dente rin ng nasabing lugar, ay nasa kritikal na kondisyon at nilalapatan ng lunas sa nasabi ring pagamutan.

Naaresto ng mga barangay tanod ang suspek na si Jaime Abrantes Jr., 38, kapitbahay ng mga biktima.        

Batay sa imbestigasyon ni PO2 Alberto Barangas Jr., may hawak ng kaso, dakong alas-9:20 ng gabi nang mangyari ang na­sabing insidente sa F.B. Harrison.

Nabatid sa imbestigasyon na pauwi ang magkumpare mula sa isang inuman  nang mapansin nilang nag-aaway sina Abrantes at ang asawa nito. Sa hindi malamang dahilan ay pinag­balingan ng suspek ang mga nag-uusyusong biktima at inakusahan ang mga ito na sumuntok sa kanya.          

Dito ay agad na nangatwiran ang mga biktima na wala silang kinalaman sa ibini­bintang ng suspek ngunit hindi sila pina­king­gan nito, sa halip ay binunot ng huli ang dalang screw driver at kapwa inun­dayan ng saksak ang nabiglang mag­kaibigan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALBERTO BARANGAS JR.

CITY

CITY GENERAL HOSPITAL

HARRISON ST.

PASAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with