Security ni GMA binugbog

Bugbog-sarado ang inabot ng isang miyem­bro ng Presidential Secu­rity Group sa apat na lalaki matapos na sawa­yin ng biktima ang mga suspek sa pagsisigawan malapit sa Malacañang kahapon ng madaling araw sa San Miguel,  Maynila.

Nahaharap sa mga kasong direct assault, physical injuriy at tres­passing ang mga suspek na sina Ronaldo Sagun, 21; Japhet Santiago, 21; Mark Anthony Lopez, 21; at isang hindi pa naki­kilalang kasama nila matapos silang ireklamo ni Staff Sgt. Ernesto Aqui­no, miyembro ng Philip­pine Marine at nakata­laga sa Malacañang Palace.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ni SP02 Rene Buenaven­tura ng Manila Police Dis­trict station 8 na dakong alas-12:30 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa Arias st. San Miguel.

Naglalakad ang mga suspek galing sa isang birth­day party nang pag­tapat nila sa Palasyo ay biglang nagsigawan ang mga ito kaya sinaway sila ni Aquino.

Subalit, sa halip na tu­mahimik, nagsalita ang isa sa mga suspek at sina­bihan si Aquino ng “anong pakialam mo?” hanggang sa mauwi sa pag­sasagutan ng mga ito na humantong sa bug­bugan.

Naawat lamang  ang gulo ng rumesponde ang mga kasamang PSG ni Aquino at kinaladkad pa­tungong barracks ng PSG ang tatlong suspek habang nakatakas na­man ang isa pa nilang hindi nakilalang kasama.

Show comments