Fake license syndicate, nabuwag
Dahil sa pagmamaneho ng motorsiklong walang plaka, nadiskubre at nabuwag ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang sindikato na gumagawa at nagbebenta ng mga pekeng driver’s license ng Land Transporation Office kamakalawa ng hapon sa naturang lungsod.
Apat na suspek ang nadakip na nakilalang sina Jhanus Celis, 26; Virgilio Padilla, 28; Erick Jude Diaz, 33; at June Albert Tomagan, 21, pawang mga residente ng Brgy. Pinyahan,
Sa ulat ng QCPD-Station 10 (Kamuning), dakong alas-3:30 kamakalawa ng hapon nang maispatan ng mga nagpapatrulyang pulis si Tomagan sakay ng isang motorsiklo na walang plaka sanhi upang parahin ito. Nagpakita naman ng lisensya si Tomagan na natuklasang peke ito habang nakuha rin sa kanya ang apat pang pekeng lisensya na nakapangalan sa ibang tao.
Dito isinailalim sa interogasyon si Tomagan na umamin na peke ang kanyang lisensya at miyembro ng isang grupo na gumagawa at nagbebenta nito. Dinala naman sa LTO Main Office ang mga nakuhang lisensya kung saan bineripika na peke nga ito.
Pumayag naman si Tomagan na makipagkooperasyon sa pulisya kung saan sinamahan nito ang mga kagawad ng QCPD-Station 10 sa kanilang lungga sa #
Nakumpiska sa naturang establisimyento ang lamination machine, paper cutter, printers, computer sets, at iba pang paraphernalia sa pamemeke nila ng lisensya.
Sinampahan naman ng kasong paglabag sa Article 172 o falsification by private individuals and use of falsified documents at Article 176 o manufacturing and possession of instrument or implements for falsification ng Revised Penal Code ang mga nadakip. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending