^

Metro

Walang bagong train ang MRT hanggang 2010 – DOTC

-

Kinakailangang magtiyaga ang mga nagsisiksikang mga commuters ng Metro Rail Transit (MRT) sa mga lumang train nito matapos na magpa­ha­yag ang pamunuan na walang bagong train hanggang sa taong 2110 dahil sa mga legal na problema.

Sa ngayon umaabot na sa mahigit 450,000 commuters kada araw ang sumasakay sa MRT subalit kinakailangang pagtiyagaan nila ang may 20 tren nito hanggang taong 2010.

Ayon kay Arnel Manreza, Executive Assistant ng Depart­ment of Transportaion and Communication (DOTC)-MRT kahit na kaya nilang bumili ng panibagong tren ay hindi magawa dahil sa problema ng kontrata ng MRT sa Metro Rail Transit Corporation (MRTC) Consortium.

“The consortium, which is MRTC, has the right of first refusal. That means they are the ones who are supposed to procure for the government additional train, the DOTC will still have to seek DOJ opinion if the government can buy or procure these units,” pahayag ni Manreza.

Dagdag pa nito na sakali mang aprubahan ang kanilang request na dagdag na tren ay darating pa ito sa taong 2010 dahil sa dami ng papeles na kakailanganin para sa pag- process nito.

Dahil dito, sinabi pa ni Manreza na sa ngayon ang mga lumang tren ang nahihi­rapan kaya kainakailangan ang ibayong pagsasaayos at main­tenance ng mga ito para ma­natiling ligtas ang mga com­muters sa pagsakay sa MRT. (Edwin Balasa)

ARNEL MANREZA

EDWIN BALASA

EXECUTIVE ASSISTANT

MANREZA

METRO RAIL TRANSIT

METRO RAIL TRANSIT CORPORATION

SHY

TRANSPORTAION AND COMMUNICATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with