^

Metro

Nasunog na mall sa Pasay muling sumiklab, 10 pang bahay damay

-

Tinatayang mahigit sa 10-kabahayan ang tinupok ng apoy matapos gumuho ang nagbabagang bato at yero at muling nag­liyab sa nasunog  na shopping mall kahapon ng madaling-araw sa Pasay City. Dahil sa nagbabagang mga bato at mga yero ng Welcome Plaza Mall, tuluyan na namang sumiklab ang sunog maka­ra­ang unang mabagsakan ang bahay ni Brgy. Chairman Jimbo Palo­mares sa Celedonia St., panulukan ng  Decena St. dakong alas-3:40 ng madaling-araw na naging sanhi upang kumalat ang apoy at tumupok sa mga katabi pang kabahayan sa naturang lugar.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa naturang sunog dahil sa maagap na paghahanda ng mga naninirahan sa likurang bahagi ng naturang mall matapos magsimulang magbaga ang mga bato habang nasa kasagsagan ang apoy na tumutupok sa loob ng apat na palapag na gusali.

Magugunita na nahirapan ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Fire Volunteers na apulahin ang sunog na tumupok sa naturang mall na kinalalagyan din ng Puregold Super­market bunga ng napakakapal na usok sa loob ng gusali.

Inabot ng mahigit 24-oras ang sunog na tuluyang tumupok sa gusali ng Welcome Plaza at sa may 10-pang kabahayan sa likod nito bago tuluyang naapula dakong alas-5:57 ng madaling-araw kahapon. Inaalam din ng mga imbestigador ang kumalat na balita na posibleng sinadya ang sunog dahil matagal na umanong plano na patayuan ng mas mataas na palapag na gusali ang lugar subalit naaantala bunga ng napakaraming tenant o umuupa na tumututol na umalis dito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHAIRMAN JIMBO PALO

DECENA ST.

FIRE VOLUNTEERS

LORDETH BONILLA

PLACE

PUREGOLD SUPER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with