^

Metro

Army Sgt. patay sa pulis

-

Kamatayan ang natamo ng isang enlisted na sundalo ng Philippine Army sa pag­gamit nito ng replica pellet gun  sa tangkang pagtangay ng isang motorsiklo matapos na mabaril ng isang rumespon­deng pulis, kamakalawa ng gabi sa Cubao, Quezon City.

Nasawi dahil sa tama ng bala sa kanyang likuran ang   suspek na si William Bores, 41, enlisted AFP personnel na may ranggong staff sergeant  at re­sidente ng #15 1st West Crame, ng naturang lungsod.

Nakilala naman ang naka­baril na pulis na si PO1 Carlito Dagus­en, nakatalaga sa Dis­trict Mobile Force ng Northern Police District sa Caloocan City.

Sa ulat ni Supt. Procopio Li­pana, hepe ng Quezon City Po­lice District-Station 7, na­ganap ang insidente dakong alas-8:20 ng gabi sa kaha­baan ng 7th Avenue malapit sa kanto ng P. Tuazon Blvd., Brgy. Socorro, Cubao.

Sa imbestigasyon, unang hinarang at tinangkang aga­win umano ni Bores  gamit ang isang pekeng kalibre .9mm na pellet gun ang motor­siklo na sina­sakyan ni Jennifer Acebog, 22, lady guard, ng Lupang Pa­ngako, Payatas-B, Quezon City.

Nang papatakas na ang suspek, hinablot ni Acebog ang bag ni Bores sanhi upang su­memplang ito at lumikha ng komosyon.  Dito na nagta­takbo upang makatakas si Bores nang habulin ito ng mga pulis trapik kasama si Dagu­sen na noon ay papauwi na galing sa trabaho. Naabutan ni Dagusen ang suspect na noon ay nanu­tok pa ng pellet gun dahilan upang magbunot na rin ng baril ang una at pa­putukan si Bores na naging sanhi ng kamatayan ng huli. (Danilo Garcia)

CARLITO DAGUS

CUBAO

DANILO GARCIA

JENNIFER ACEBOG

LUPANG PA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with