Basurero sinilaban ng adik

Isang   basurero ang nasa kritikal na kondis­yon matapos buhusan ng flammable liquid at silaban ng isang hindi nakikilalang adik na lalake habang ang una ay mahimbing na natu­tulog kahapon ng madaling-araw sa lungsod Caloocan.

Kasalukuyang inoobserbahan sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center (PDMMMC) sanhi ng tinamo nitong 2nd degree burn sa kanyang katawan ang biktimang si Ben­jamin Baluyot, 28, ng Block 1, Lot 32, Tupda Vil­lage, Julian Felipe St., ng na­banggit na lungsod.

Hinahanting ng  elemento ng Caloocan City Police ang  isang hindi naki­kilalang suspek na kaagad na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ni PO1 Alejandro Billedo Jr., may hawak ng kaso, dakong alas-12:30 ng madaling- araw nang maganap ang insidente sa isang basketball court na matatagpuan sa Julian Felipe St. , Brgy.  8, Caloocan City.

Nabatid na mahimbing na natutulog sa lumang sofa ang biktima na noon ay lango sa alak nang biglang dumating ang  suspek at agad siyang  binuhusan ng flammable liquid at saka sinilaban. Mabilis na tumayo ang nag-aapoy na bik­­tima na kaagad namang tinu­lungan ng mga naka­­saksi at mabilis na dinala sa pagamutan, habang tumakas naman ang suspect. (Lordeth Bonilla)

Show comments