^

Metro

Seguridad sa mga kompanya ng langis hinigpitan

-

Hinigpitan ng pulisya ang seguridad sa mga bisinidad ng mga kompanya ng langis matapos ang dalawang sunod na ginawang kilos protesta  ng mga militan­teng estudyante laban sa oil price hike.

Ang mahigpit na pagbabantay sa mga kompanya ng Pilipinas Shell, Petron at Chevron (Caltex) sa lungsod ng Makati ay ginawa ng Makati police matapos ang dalawang sunod na kilos protestang ginawa ng mga militanteng grupo   kung saan sinabuyan ng mga ito ng grasa na nakalagay sa plastic ang gusali ng mga higanteng oil companies.

Dahil dito, 24-oras ng magpapatrolya ang mga mobile unit ng Makati police sa mga tanggapan ng kompanya ng langis simula ngayong araw upang hindi na ma­sundan pang muli ang dalawang sunod na kaguluhang naganap sa pagitan ng mga welgista at mga militante.

Matatandaang matapos na mag­sunud-sunod ang oil price hike ay nag­banta ang mga militanteng grupo na kakalam­pagin nila ang mga kompanya ng langis hanggang hindi nila ibinababa ang presyo ng produktong petrolyo. (Edwin Balasa)

CALTEX

DAHIL

EDWIN BALASA

HINIGPITAN

MAKATI

MATATANDAANG

PETRON

PILIPINAS SHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with