^

Metro

Bagyong Helen patuloy na nagbabanta sa Luzon

-

Patuloy na nagbabanta ang bagyong Helen sa Luzon.

Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astrono­mical Services Administration (Pagasa), ganap na alas-11 ng umaga, si Helen ay namataan sa layong 360 km. ng silangan ng Basco, Batanes. Ang naturang bagyo ay lalong lumalakas dahil sa epekto dito ng southwest monsoon na siyang nagdadala ng matitinding pag-uulan sa buong Luzon, partikular sa Metro Manila. Taglay ni Helen ang lakas ng hanging 55 km. bawat oras malapit sa gitna.

Ngayong Martes, si Helen ay inaasahang nasa layong 280 km. ng silangan ng Basco, Batanes at nasa layong 190 km. silangan ng Basco, Batanes sa Miyerkules. Pinapayuhan naman ng Pag Asa ang mga residenteng nakatira sa Luzon partikular sa Batanes area na doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa anumang peligrong dala ng bagyong Helen. (Angie dela Cruz)

BASCO

BATANES

LUZON

NGAYONG MARTES

PAG ASA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC GEOPHYSICAL AND ASTRONO

PLACE

SERVICES ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with