Bangko nilooban; P1-M tangay
Umaabot umano sa P1 milyon ang natangay ng mga hindi pa nakikilalang suspect na nanloob sa Bank of the Philippine Islands (BPI) sa Capitol Hills, Quezon City na binutas ang bubungan upang makapasok sa loob.
Isinasailalim sa imbestigasyon ang janitor ng naturang bangko na hindi muna pinangalanan. Nabatid na dakong alas-7 kahapon ng umaga nang madiskubre ng mga empleyado ng bangko ang naganap na panloloob sa BPI-Capitol Hills branch sa may Tandang Sora at agad na ipinagbigay-alam sa pulisya.
Lumalabas na pinasok ng mga suspek ang bangko nito lamang Linggo ng gabi o madaling araw dahil sa basa pa ang putik na iniwan ng paa ng mga salarin.
Inakyat ng mga suspek ang bubungan ng bangko at binutasan ito upang makapasok. Ginamitan rin ng mga magnanakaw ng acetylene torch ang vault ng bangko kung saan nalimas ang laman nitong P1 milyon. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending