Tanggapan ng Shell, nilusob ng mga militante

Nagkaroon muli ng tensiyon sa pagitan ng mga militanteng grupo, ilang miyembro ng ka­pulisan at mga security guards makaraang lusubin ng mga una ang punong-tanggapan ng Shell Philippines at sabuyan ito ng pintura, kahapon ng umaga sa Makati City.

Batay sa ulat, alas-7:30 ng umaga nang ma­gawang malusutan ng mga militanteng grupo ang hanay ng mga kapulisan na nagbabantay sa harapan ng Shell sa Valero St., nabanggit na lung­sod. Ayon sa grupo, ito lamang umano ang tanging paraan para ipakita at iparamdam nila sa mga higanteng kompanya ng langis sa bansa ang matindi nilang pagtuligsa at pag-protesta sa walang humpay na pagpataw ng mga ito ng taas-presyo sa kada-litro ng langis.

Agad namang nanumbalik sa normal na kala­karan ng mga negosyo sa lugar ilang oras ma­ta­ pos na magawang mapayapa ng mga pulis at tulu­yang maitaboy ang mga nag-alburutong mga mili­tante. Samantala, bunga naman ng nasabing insi­dente ay mas lalo pang hinigpitan ang segu­ridad sa punong-tanggapan ng Petron Corp sa Buendia Avenue, Makati City. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments