EB, Wowowee at Singing Bee promotor ng sugal

Kinondena kahapon ng Simbahang Katoliko ang mga programa sa tele­bisyon na umano’y yuma­yakap na rin sa kultura ng sugal na na­ ging ugali na ng ma­raming Pilipino.

Sa pananaw ni Jaro Arch­bishop Angel Lag­da­meo, ang TV shows tulad ng Eat Bu­laga, Wowo­wee, Singing Bee at iba pang kahalintulad nito ay isang uri ng sugal lalo’t naku­kuha ang pera nang madalian.

“Yung mga ganyang games ay easy to get rich. Parang sino man ang  ma­nalo ng ma­laking halaga ay nagka­karoon ng sentim­yento na mada­ling maka­kuha  ng pera at komo ang perang ito ay hindi pinag­hirapan o hindi  pinag­sikapan, maaring mang­­yari na ma­daling mawala,” sabi pa ni Lag­dameo.

Aniya pa, nasa kultura na ng mga Pilipino nga­yon ang pagsusugal na kahit ang mga resibo sa mga binayarang pro­dukto o serbisyo ay ipina­ra-raffle para mapilit din na magbayad ng tax.

Isa umanong palatan­daan ng paghihirap ng maraming Pilipino ang pagkagumon sa sugal sa lahat ng paraan.

Tulad ng pananaw ni Lag­dameo, pinuna ni Cebu Arch­bishop Ricardo Cardinal Vidal  na ang mga dagliang pera na papremyo sa mga tao ay isang uri ng sugal dahil dume­depende na lamang ang tao sa suwerte.

Bukod pa aniya sa sugal, iskandaloso rin umano ang atraksiyon ng mga babaeng dancer sa TV shows na ma­iiksi ang mga damit na hindi na gumagalang sa religious sensitivity ng ibang audience.

Naniniwala ang dala­wang arsobispo na kahit may sariling regulasyon ang mga TV network, dapat ay matu­ruan sila kahit ang sinasabi umano ng mga host nito ay ang ka­gustuhan ng mga tao o mano­nood ang kanilang sinusunod. Hindi naman umano lahat ng tao ay gusto ang ganitong uri ng palabas.

Show comments