^

Metro

‘Dugu-dugo’ di umubra sa biniktima, ipinaaresto pa

-

Hindi umubra ang modus-operandi ng isang miyembro ng “Dugo-dugo” gang laban sa isang staff ng Department of Justice (DOJ) bagkus nagawa pang ipaaresto ng huli ang una sa isinagawang entrapment operation, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Walang pagsidlan ang tuwa ni Gng. Myrna Dy, 48, ng Block 35 Lot 6 Phase 4, Soldier Hills 4, Bacoor, Cavite matapos na matagumpay na masakote ang suspek na si Marjote Marabe, 28, walang trabaho, nakatira sa Mabuhay St., Tondo, Manila.

Sa isinagawang imbestigas­yon ni SPO3 Odeo Carino ng Criminal Investigation Division ng Parañaque City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-6 ng gabi sa harapan ng Max’s restaurant sa Baclaran.

Ayon sa pahayag ni Dy, pa­uwi na umano siya nang maka­sa­lubong nito ang kanyang ka­sam­­­bahay na si Ana Marie Bi­ joso na nagmamadaling umalis at bitbit ang mga alahas niya.

Agad na nagtanong si Dy kay Bijoso kung bakit bitbit ang mga alahas at sumagot ito na may tumawag na isang lalaki kung saan sinabi nito na kaibi­gan siya nito.

Naaksidente raw ang kan­yang amo at nangangailangan ng malaking pera kaya pinapa­kuha ang mga alahas nito upang maisanla pambayad sa ospital at mga gamot. Umaabot sa P450,000 ang halaga ng mga alahas na dadal­hin sana ni Bijoso sa suspek ngunit dahil inabutan siya ng kanyang amo ay nagdesisyon ang dalawa na isumbong ito sa mga alagad ng pulisya upang ipaaresto.

Agad na bumuo ng isang en­trapment operation ang Para­ñaque Police kung saan sa nasa­bing oras at lugar ay du­mating ang suspek at inaantay na nito si Bijoso. Nang mahawa­kan na ni Ma­rabe ang mga alahas ay agad na dinakma ito ng mga opera­tiba at kaagad na dinala sa him­pilan ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

ANA MARIE BI

BIJOSO

CITY POLICE

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DEPARTMENT OF JUSTICE

MABUHAY ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with