Ex-Vice Mayor, 3 pa timbog sa kidnap

Nalutas na ng mga opera­tiba ng Police Anti-Crime Emer­gency Response (PACER) ang brutal na pagdukot at pagpatay sa isang mayamang negos­yante at driver nito kasunod ng pagkakaaresto sa mastermind na dating bise alkalde, tatlo pang mga kidnappers sa serye ng operasyon sa lalawigan ng Cavite.

Sa ginanap na press briefing kahapon sa Camp Crame, ini­harap nina PNP Directorate  for Administration Deputy Director General Jesus Verzosa, PACER  Chief Sr. Supt. Leo­nardo Espina at PNP-Special Action Force (PNP-SAF) Chief P/Chief  Leo­ cadio Santiago sa media­men ang mga nasako­teng suspect.

Kinilala  ng mga opisyal ang mga suspect na sina ex-Das­ma­riñas, Cavite Vice Mayor  Victor Carungcong, 50, ang iti­nu­turong mastermind sa kri­men; mga binayaran nitong kid­nappers na  nakilalang sina Chief Inspector Exequiel Cauti­ver, 38, training director ng SAF School sa Sta. Rosa, Laguna ; Alejandro Entolizo Jr., 52  Brgy. Tanod  at Gary Pateo, 36, pedi­cab driver; pawang ng Bonifacio St., Bangkal, Makati City.

Sinabi ni Verzosa na si Ca­rungcong ang natukoy na mas­termind sa pagdukot at pag­patay sa bayaw nitong negos­yanteng kinilalang si   Demos­thenes Cañete, 67,  isang reti­ra­dong piloto kung saan pinas­lang rin ang driver nitong si Allan Garay, 27, noong nakalipas na Hunyo 27 ng taong ito sa bayan ng Dasmariñas, Cavite.

Lumilitaw namang alitan sa negosyo ang motibo ng krimen dahil sa nais ni Carungcong na angkinin ang negosyo ng pamilya na Emission Testing Center sa ilalim ng Land Trans­portation Office (LTO) at Drug Diagnostic Center na nakabase  sa Brgy. Sabang, Dasmariñas,  Cavite.

Nasamsam rin sa mga sus­pect  ang 68 piraso ng sari-saring mga armas, bala  at iba pang mga  parte  ng baril sa raid sa bahay ng isa pang suspect na si Mariano de Leon Jr., alyas Spider sa Bayan Luma, Imus, Cavite.  Hindi naman nasakote si Spider sa nasabing operas­yon habang patuloy pa rin ang pagtugis sa isa pa na si PO1 Dondon Abogado.

Ayon kay Espina, matapos na dukutin ang mga biktima ay nakatanggap ng tawag sa tele­pono ang misis ni Cañete mula sa isang mysterious caller na nag­­pakilalang mga kid­nappers na humihingi ng P20-M ransom kapalit ng kalayaan ng mga biktima.

Lumilitaw naman na pinas­lang na ng mga suspect  si Ca­ñete na narekober ang bangkay noong Hulyo 1 sa Porac Mega­dike area sa Pampanga pero humingi pa rin  ng ransom ang mga suspect noong Hulyo 4 na naibaba  sa P973,000 kung saan ang payoff ay isinagawa sa Malibay, Pasay City dakong alas-4:30 ng madaling-araw.

Show comments