^

Metro

Opisina ng Petron inulan ng grasa

-

Sinugod kahapon ng mga militanteng estudyante na nagmula sa iba’t ibang kolehiyo ang tanggapan ng Petron sa Makati City  at hinagisan ito ng grasa sa kanilang pagpapatuloy na protesta laban sa sobrang taas ng presyo ng petrolyo.

Subalit hindi masyadong nakalapit ang mga estudyante sa tanggapan ng Petron dahil pinigilan   sila ng mga security guard ng kompanya at nagka­saya na lamang na  ipahayag ang kanilang protesta sa loob ng 30 minuto bago umpisahang tapunan ng grasa na nakalagay sa plastic ang dambulahalang kompanya ng langis.

Ayon kay Anakbayan Na­tional Capital Region Spokes­man Andrew Zarate, magpa­patuloy ang kanilang grupo sa mga kilos protesta at pagka­lampag sa mga kompanya ng langis gayundin sa Energy Regulatory Commission (ERC) hanggang mapilitan ang mga itong ibaba ang presyo ng petrolyo na patuloy na nagpa­pa­hirap sa sambayanan.

Sa isinagawang kilos pro­testa ng mga estudyante, ipi­na­kita nila kung gaano ang dina­ranas na hirap ng kanilang mga magulang dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrol­yo na siya ring dahilan ng pag­taas ng mga pangunahing panga­nga­ilangan sa araw-araw ng isang pamilya.  (Edwin Balasa)

ANAKBAYAN NA

ANDREW ZARATE

CAPITAL REGION SPOKES

EDWIN BALASA

ENERGY REGULATORY COMMISSION

MAKATI CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with