Sumuko na sa pulisya ang isang 70-anyos na lolo na pumatay sa sariling bayaw at nakasugat sa pamangkin, noong nakalipas na Biyernes ng umaga, sa Sta. Ana, Maynila.
Nakilala ang sumukong suspect na si Arturo Cabal, ng G Tejeron St., Sta Ana, Manila na unang lumutang sa Rodriquez Police bago iti-nurn over sa Manila Police District-Homicide Section.
Matatandaang mabilis na tumakas si Cabal matapos masalubong at pagsasaksakin ang mag-amang sina Armando Balbin, 59, may-asawa na nasawi sa insidente habang sugatan naman ang anak nitong si Alexander, 35. Nabatid na matagal ng awayan sa lupa ang motibo sa isinagawang krimen ng suspect. (Ludy Bermudo)