^

Metro

73 bagong tren, hirit ng MRT

-

Humihingi ng  pondo ang state-run Metro Rail Transit 3 (MRT3) para ipambili ng may 73 bagong tren kasunod ng pagdami ng pasaherong sumasakay dito.

Sinabi ni Lysa Blancaflor, MRT spokesperson ng MRT,  humiling sila ng  kaukulang pondo sa National Economic and Development Authority (NEDA)  para ipambili ng may 73 na mga bagong tren.

Ang mga bagong tren, aniya, ay ipampapalit sa  20 lumang tren na nagbibigay ng serbisyo mula North Avenue Edsa  sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay  at vice-versa

Sinabi ni Blancaflor, inaasahan ng MRT management na sa mamadaliin ng NEDA ang pagkakaloob ng kaukulang pondo para dito upang higit na mapabilis at mapahusay  ang serbisyo nito sa libu-libong pasahero bawat araw. Idinagdag pa ni Blancaflor na ang pagbili ng mga bagong tren ay nanganga­hulugan ng malaking matitipid na pondo sa maintenance.

Noong katapusan ng Mayo 2008, ang MRT train ay may  average na 506,000 pasahero sa kada araw samantalang ang pinakamataas na bilang ay naitala noong Abril  18 na may 523,803 na pasahero.

Sa parehong panahon nitong nakaraang taon, ang MRT ay may 466,000 pasahero sa may pasok na araw na ang pinaka­mataas na naitala ay noong Enero 12, 2007 na may bilang na 475,193. (Angie dela Cruz at Rose Tamayo)

BLANCAFLOR

LYSA BLANCAFLOR

METRO RAIL TRANSIT

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

NORTH AVENUE EDSA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with