^

Metro

2 truck ng ‘bomba’ nasabat

-

May dalawang trak na naglalaman ng kemikal na ginagamit sa paggawa ng bomba ang nadiskubre makaraang parehong tumirik ang mga ito at hilain ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon sa ulat ng MMDA, unang nadiskubre ang nasabing mga kemikal na ammonium nitrate sa isa sa mga trak na may plakang CWY-148.  Pawang mga blasting caps naman ang karga ng isa pang trak na may plakang WKL-245. Ayon pa sa MMDA, nadis­kubre ang nasabing mga bomb com­po­nent materials nang tumirik ang nasabing mga trak na pinag­kakargahan nito kamakalawa ng gabi at hingin ang tulong ng ahensiya para hilain ito. Lumalabas  sa pagsisiyasat ng MMDA na pag-aari ng Orica Phils. ang nasabing mga trak at patungo sana ang mga ito sa Antipolo City.

Ayon naman kay MMDA general manager Roberto Nacianceno, kailangang imbestigahan nang ma­sinsinan ng pulisya ang pagkakadiskubre sa nasabing mga kemikal at blasting caps sa may-ari ng mga ito kung para saan naka­laan gagamitin ang mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

LUMALABAS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ORICA PHILS

PAWANG

ROBERTO NACIANCENO

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with