^

Metro

DOH Assistant Secretary, iktima ng riding-in-tandem

-

Muli na namang nalusutan ng kilabot na mga holdaper na “riding-in-tandem” ang pulisya ma­­karaang isang mataas na opisyal pa ng Department of Health ang mabiktima kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Maria Bernadita Flores, DOH Asst. Secretary at executive di­rector ng National Nutrition Coun­cil at naninirahan sa BF Exe­cutive Village Phase V, Pa­rañaque City.

Sa imbestigasyon ng QCPD-Kamuning police Station-10, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga sa Scout Albano St., Brgy. South Tri­angle, Quezon City .

Nabatid na katatapos pa lamang dumalo ni Flores sa isang memorandum of agree­ment signing ceremony  at hini­hintay ang kanyang kotse nang biglang huminto ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek.Mabilis na tinutukan umano ng baril ng mga salarin si Flores at sapilitang kinuha ang handbag nito saka mabilis na tumakas patungo sa direk­syon ng EDSA.

Nakuha ng mga salarin ang Louie Vitton handbag na may halagang P25,000, isang Nokia cellphone 6630, P10,000 cash, Cannon digital camera na may halagang P35,000, iba’t ibang credit cards at ATM cards.

Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang makilala ang mga suspek habang hindi naman matukoy ang plaka ng motorsiklo dahil sa natatakpan ito ng cardboard. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DEPARTMENT OF HEALTH

LOUIE VITTON

MARIA BERNADITA FLORES

NATIONAL NUTRITION COUN

QUEZON CITY

SCOUT ALBANO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with