^

Metro

MM, ilang bahagi ng Luzon muling  niyanig ng lindol

-

Niyanig ng lindol na may magnitude-5.4 ang bahagi ng Metro Manila at ilang lalawigan ng Luzon kaha­pon ng alas-9:42 ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang epicenter ng lindol ay may lalim na 13 kilometro ng Philippine Sea at nakita sa may 98 kilometro ng timog silangan ng Baler Aurora province.

Naitala din ng US geo­logical Survey (USGS) na ang epicenter ng lindol ay nasa 185 kilometro ng sila­ngan hilagang silangan ng Maynila o 160 kilometro ng hilaga ng Brgy. San Pedro Lopez, Quezon province, ma­­­­lapit sa epicenter ng lin­dol na naganap noong nag­­daang araw ng Linggo Hulyo 6.

Malaki ang paniwala ni Joan Salcedo, seismolo­gist ng Phivolcs na ang na­ramdamang paglindol ka­hapon ay aftershocks ng lindol na naramdaman noong nakaraang Hulyo 6.

Bunsod nito, naitala ng Phivolcs ang lindol kaha­pon sa lakas na Intensity 4 sa Baler, Intensity 3 sa Baguio City at Dingalan Aurora, at Intensity 2 sa Lucban, Quezon.

Naitala naman ang lindol na may lakas na in­ten­sity 4 sa Maynila at Quezon City at intensity 3 sa Makati city.

Ang lindol ayon kay Sal­cedo ay dulot ng pag­galaw ng isang fault line malapit sa Aurora.

Dinagdag pa nito na mula nang maganap ang lindol noong nakaraang linggo, may mahigit sa 130 aftershocks ang kanilang naitala pero dalawa la­mang dito ang naramda­man ng mga tao. (Angie dela Cruz)

BAGUIO CITY

BALER AURORA

LINDOL

PHIVOLCS

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with