^

Metro

Baon sa utang, sekyu nagpakamatay

-

Dahil umano sa proble­mang pinansyal ay wina­kasan umano ng isang security guard ang kan­yang buhay matapos itong magbaril sa kanyang sarili kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Ayon sa ulat ng pulisya, mga ilang oras nang patay ang biktima na nakilalang si Edgardo Catursa, nang matagpuan ang bangkay nito dakong alas-6 ng uma­ga sa opisina ng Bankard na matatagpuan sa ika-30 palapag ng Equitable Tower sa Ortigas, Pasig.

Nabatid sa sekyu na rerelyebo sana sa biktima na papasok siya sa nasa­bing tanggapan upang hu­malili sa pagbabantay sa huli nang makitang patay na ang biktima na   naka­upo sa isang sofa at nali­ligo sa sariling dugo. Sa gina­wang inisyal na imbes­tigasyon, lumalabas na nagpakamatay ang biktima sa pamamagitan ng pag­baril nito sa kanyang sen­tido gamit ang kalibre .38 baril na kanilang gamit sa pagbabantay.

Bukod sa nasabing baril na nakita malapit sa bik­tima ay isang suicide note din na umano’y ang na­kuha sa bulsa ng pan­talon nito na nagsasaad ng pamamaalam at paghingi ng tawad sa mga mahal sa buhay dahil sa kanyang ginawa matapos na mam­roblema dahil sa dami ng utang. Kasalukuyang ini­im­bestigahan ng pulisya kung may foul play na na­ganap sa nasbaing in­sidente.

Samantala, winakasan din ng isang 17-anyos na bi­natilyo na si Emmanuel Cerezo, estudyante, ang kanyang buhay sa pama­ma­gitan ng pagbibigti sa   sa loob ng kanilang banyo matapos makipagkalas ang kanyang kasintahan kamakalawa ng gabi sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang matagpuan ng kanyang tiyahin ang wala nang buhay na biktima. Isang suicide note rin ang sinasabing iniwan nito. (Edwin Balasa)

AYON

BANKARD

EDGARDO CATURSA

EDWIN BALASA

EMMANUEL CEREZO

EQUITABLE TOWER

PASIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with