^

Metro

Dagdag pasahe aprub na ng Palasyo

- Nina Rudy Andal at Angie dela Cruz -

Inaprubahan na ka­ ha­pon ng Malacañang ang dagdag pasahe sa mga pampasaherong jeep­ney, bus at taxi na magi­ging epektibo sa linggong ito. Bukas o sa Biyernes ina­asahang ipapatupad na ang dag­dag sa pasahe.

Sa isinagawang me­dia briefing sa Mala­ca­ñang matapos ang Ca­binet meeting, inapruba­han ng NEDA board ang dagdag pamasahe na inirekomenda ng Land Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay LTFRB chair­man Thompson Lantion, ang dating P8 na minimum fare sa mga jeep­ney ay magiging P8.50 sa unang apat na kilometro, habang P1.50 naman ang magiging dag­dag sa susunod na bawat kilometro.

Sinabi pa ni Chairman Lantion, ang dating mini­mum fare naman sa or­di­nary bus sa Metro Ma­nila na P9 ay magiging P10 sa unang 4 na kilo­metro habang P1.95 naman ang magiging dag­dag sa su­sunod na kilometro.

Aniya, 20% naman ang magiging dagdag sa maximum sa mga aircon buses na bumibiyahe sa Metro Manila.

Sampung piso naman ang idadagdag sa kabu­uang meter rate sa mga taxi. 

Ang inaprubahang dagdag-pasahe sa jeep­ney at taxi ay nationwide, habang ang dagdag-pasahe sa mga bus ay para sa Metro Manila lamang at hindi kasama ang mga provincial buses.

Ipinaliwanag pa ni Lantion, posibleng ma­ging epektibo ang nasa­ bing bagong fare sa mga jeepney, bus at taxi bukas, Huwebes  o Biyer­nes ng linggong ito.

CHAIRMAN LANTION

LAND TRANSPORT FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

METRO MA

METRO MANILA

SHY

THOMPSON LANTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with