CAMANAVA police sinasanay ng FBI
Inaasahang mas mapapagaling pa umano ang abilidad ng mga pulis ng Northern Police District Office na pawang nakatalaga sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area matapos na sanayin ang mga ito ng mga experts mula sa Federal Bureau of Investigation (FBI) ng Amerika.
Nabatid sa impormasyong nakalap sa NPDO na ang nasabing mga experts mula sa FBI ay magbibigay ng mga serye ng pagsasanay sa kapulisan ng nasabing distrito na sinimulan kahapon. Ang nasabing serye ng pagsasanay umano na inihandog ng FBI sa mga pulis-NPD ay naka-sentro sa epektibong paglutas ng mga krimen sa pamamagitan ng crime scene management at crime analysis. Napag-isipan umano ng NPDO na anyayahan ang mga FBI experts para na rin mas mabigyan pa ng sapat na kasanayan, kaalaman at kagalingan ang mga kapulisan sa kanilang kinasasakupan sa pagsugpo at paglutas sa lumalalang krimen sa CAMANAVA area. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending