^

Metro

Sales agent tinodas ng bayaw

-

Dahilan sa matandang alitan, isang sales agent ang namatay samantalang suga­tan naman ang anak nito ma­tapos silang pagsasaksakin ng 70-anyos na bayaw ng una kahapon ng umaga sa Sta. Ana Maynila.

Namatay habang ginaga­mot sa Lourdes Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Armando Balbon, 59, ng 2269 G. Te­jeron St., Sta. Ana   ng nasa­bing lungsod habang kasalu­kuyan pa ring ginagamot dito ang anak nito na si Alexan­der, 35, isa ring sales agent.

Patuloy namang pinag­ha­hanap ng mga awtoridad ang suspek na si Arturo Cabal, bayaw ni Armando na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa ulat ng pulisya,  dakong alas-11:15 ng umaga nang na­­ganap ang insidente sa eski­ nita sa Interior Alley sa tabi ng San Lorenzo Ruiz Chapel sa G. Tejeron St., Sta. Ana.

Bago umano maganap ang insidente ay kasalu­ku­yang naglalakad  ang mag-ama sa naturang lugar nang lapi­tan sila ng suspek at walang sabi-sabing nilapitan si Balbon at pinagsasaksak ito habang sinisigawan nito na “Sinungaling ka”.

Tinangka namang tulu­ngan ni Alexander ang ama subalit siya naman ang bina­lingan at sinaksak ng suspek subalit hindi nito napuruhan dahil nasalag nito ang ilang saksak gamit ang isang upu­ang plastik.

Lumalabas sa imbestigas­yon ng pulisya na matagal nang may awayan ang da­lawa na posibleng motibo sa kri­men. (Gemma Amargo-Garcia)

ANA MAYNILA

ARMANDO BALBON

ARTURO CABAL

GEMMA AMARGO-GARCIA

INTERIOR ALLEY

LOURDES HOSPITAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with