^

Metro

Presyo ng shabu bumaba ng 50 porsiyento

-

Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagbaba nga­yon ng presyo sa benta­han ng shabu sa kalsada ng hanggang 50 porsyento average  sa Luzon.

Sa panayam ng PSN, sinabi ni PDEA Director General Sr. Undersecre­tary Dionisio Santiago Jr. na ito’y dahil sa posibilidad na pagdagsa muli ng sup­lay ng shabu sa black mar­ket  matapos na masabat ang malaking ibinagsak na suplay sa Subic Bay sa Pam­panga kamakailan.

Nangangamba si San­tiago na bukod sa nakum­piska ng Presidential Anti-Smuggling Group na 741 kilo ng shabu, maaaring ma­­rami pa sa naturang iligal na droga ang naka­lu­sot sa pagbabantay ng mga awtoridad sa Subic at na­ipuslit ng sindikato sa bu­ong Luzon at Metro Manila.

 Sinabi rin nito na may mga ulat silang natatang­gap na nakalabas na sa ban­sa ang nakatakas na dealer ng nakumpiskang shabu na si Anton Ang, pero may mga ulat din na nasa bansa pa ito. Ito nga­yon ang kanilang tinu­ tu­tukan.

Hindi na rin naman ma­hanap ng PDEA at iba pang ahensya ng Pilipinas ang barkong pinaglulanan ng naturang mga droga dahil sa maaaring napali­tan na ito ng pangalan at pintura nang makalabas sa bansa. (Danilo Garcia)

ANTON ANG

DANILO GARCIA

DIONISIO SANTIAGO JR.

DIRECTOR GENERAL SR. UNDERSECRE

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

LUZON

METRO MANILA

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with