Killer ng 70-anyos umamin

Sinampahan na ng kasong kriminal ng Manila Police District (MPD) ang isang 20-anyos na ser­vice crew ng isang kila­lang hotel matapos na  su­ muko at umamin ito na siya ang pumaslang sa   70-anyos na dating Brgy Kagawad at landlady nila  sa loob ng kanyang taha­nan sa Tondo, Maynila noong Miyerkules ng madaling-araw. 

Ayon sa pulisya, ina­min ng suspek na si Michael Durana, 20, service crew ng Manila Pavilion Hotel na siya ang pu­matay at lumaslas sa leeg ng biktimang si Con­­chita  Abaga, biyuda, ng 1584 Felix de Leon St., Bam­bang, Tondo, Maynila. 

Ayon sa ulat, hindi   umano alam ng suspek ang kanyang ginagawa dahil sa sobrang kalasi­ngan kaya nito napatay ang biktima.

Ang suspek at ang ka­samahang boarder nito ay galing umano sa  inu­man dahil sa kaarawan ng huli bago naganap ang pag­patay sa biktima.

Matatandaan na da­kong alas-3:45 ng mada­ling-araw nang madis­kubre na patay at laslas ang leeg ng biktima ng anak nitong  si Maria Irma at asawa nitong si Em­manuel Buguis. (Grace dela Cruz)

Show comments