^

Metro

Dagdag P10 sa  taxi fare, ok na — LTFRB

-

Tiniyak ni Land Trans­portation Franchising Re­gulatory Board (LTFRB) Chairman Thompson Lantion na maipagkaloob na nila ang P10 hini­hinging dagdag pasahe sa kabuuang halaga ng patak ng metro ng taxi.

Sa isang press con­ference, sinabi ni Lantion na malaki ang tsansang maipatupad ang dagdag na P10 sa kabuuang taxi fare dahil nauunawaan nila ang epektong dulot ng pagtaas ng halaga ng gasolina sa hanay ng transport groups.

“Kumbinsido kami na ma­ibigay ang fare in­crease sa taxi. 1995 pa sila walang increase ta­pos at nauuna­waan namin ang epekto ng pagtaas ng halaga ng gasolina sa kanila,” pa­hayag ni Lantion.

Bago ito, sinabi ni Elvira Medina ng Na­tional Council for Com­muter Protection Inc. sa LTFRB Board meeting na sila ay pumapayag na madag­da­gan ng P10 ang kabu­uang halaga ng pasahe sa taxi huwag lamang tataasan ng mga taxi operators ang kinu­ku­hang boundary sa ka­nilang mga drivers.

Bunsod nito, tinaya ni Lantion na bago matapos ang buwan ng Hulyo, ma­ipatutupad na ang dag­dag P10 bayarin sa taxi.

Nilinaw din ni Lantion na kapag naimplementa ang dagdag P10, hindi na kailangan ang pag- aayos sa metro at fare matrix dahil bibigyan na lamang ng LTFRB ng anunsiyo na ilalagay sa unit na nagsasaad ng dagdag pasahe sa kabu­uang pasahe sa taxi.

Kaugnay nito, sinabi din ni Lantion na malaki din ang tsansang apruba­han na nila ang provi­sional P1.00 fare in­crease sa unang limang kilometro para sa mga pampasaherong jeep at 25 centavos na dagdag sa suceeding kilometer.

Kaugnay nito, sinabi ni Lantion na patuloy naman nilang pag-aara­lan ang posibleng pag apruba ng LTFRB board sa provisional increase na hiling ng mga operator ng bus.

P1.00 sa unang li­mang kilometro ang pro­visional increase na hiling ng bus operators sa ordinary bus , 20 percent increase sa aircon bus at dagdag na 25 centavos sa suceeding kilometer. (Angie dela Cruz)

CHAIRMAN THOMPSON LANTION

ELVIRA MEDINA

FRANCHISING RE

KAUGNAY

LAND TRANS

LANTION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with