^

Metro

Pamangkin ni Gen. Barias,  arestado sa panunutok ng baril

-

Inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) ang pamangkin ni National Capital Region Police Office Director Geary Barias matapos na tutukan ng baril ang pitong kabataang tambay kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang dinakip na si Romualdo Lingan, 43, tubong-Cagayan Valley. Nakuha rin sa posesyon nito ang isang kalibre .9mm pistol na meron namang lisensya.

Nabatid kay Supt. Edgardo Pamintuan, deputy chief ng QCPD-Batasan Hills station, na inaresto ng isang unit ng Mobile Patrol si Lingan dakong ala-1 ng madaling-araw sa IBP road, Brgy. Batasan Hills matapos na manu­tok ng baril sa isang grupo ng kabataan sa naturang lugar.

Napag-alaman na nagalit umano si Lingan na sakay ng kanyang kotse nang humarang sa kanyang daanan ang mga kabataan na nakaistambay sa naturang lugar.  Dito nito nakasagutan ang mga tambay sanhi ng panu­nutok nito ng baril. Sa loob ng istasyon, nagbanggit umano ng kung sinu-sinong mga opisyal ng PNP si Lingan kabilang na si Barias na kanya umanong tiyuhin.  Agad namang tinawagan ni Pamintuan si Barias kung saan kinumpirma nito na pamangkin nga niya si Lingan.

Sa kabila nito, sinabi ni Barias na hindi siya maki­kialam sa kaso ng pamangkin at hayaan ang kanilang grupo kung nais magsampa ng reklamo laban kay Lingan. Sinabihan rin nito ang pulisya na gawin ang kanilang trabaho.

Itinanggi naman ni Lingan ang akusasyon ng panu­nutok ng baril habang binanatan rin ang pulisya dahil sa kawalang-aksyon sa pagpapatupad ng curfew sa naturang lugar sanhi ng mga riot sa mga grupo ng kabataan. (Danilo Garcia)

BATASAN HILLS

BRGY

DANILO GARCIA

EDGARDO PAMINTUAN

LINGAN

MOBILE PATROL

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE DIRECTOR GEARY BARIAS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROMUALDO LINGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with