Napatay ang isang 40-anyos na mister matapos itong gantihan at barilin ng kaaway ng kanyang misis kahapon ng umaga sa Sampaloc, Maynila.
Namatay habang ginagamot sa United Doctors’ Medical Center sanhi ng isang tama ng bala ng pengun sa katawan ang biktimang si Rolando Contreras, tricycle driver ng Cebu St., Sampaloc, ng nasa bing lungsod. Patuloy namang pinaghahanap ang suspek na si Aaron Cahucom, 17, miyembro ng “True Brown Style” (TBS) ng 4 Biak-na-Bato St., cor ner Bayani St., Quezon City.
Sa report ni Det. Jay Santos ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-9:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay sa #799 Mindanao St., corner Cebu St., Sampaloc, Manila.
Bago ang krimen kinompronta umano at pinapagalitan ni Lourdes Contreras, asawa ng biktima ang suspek sa hinalang may gagawin itong masama nang nakita itong tangkang pumasok sa kanilang compound.
Galit umanong umalis ang suspek at pasigaw na minura at nag-dirty finger pa kay Lourdes na nakita at narinig naman ng biktima kaya’t hinabol niya ito. Umabot pa hanggang sa kanto ng Mindanao St., ang paghahabulan ng dalawa subalit hindi akalain ng biktima na mayroong dalang pengun ang suspek at binaril ito sa tiyan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.