^

Metro

ATM booth babaguhin!

-

Pagbabago sa mga Automated Teller Machine (ATM) sa mga su­sunod na araw ang mapapansin ng mga kostumer makaraang makipagpulong ang Manila Police District (MPD) sa mga distributor nito upang maiwasan ang insidente ng “Ipit-ATM.”

Ang ginawang pakikipagpulong ni Supt. Nelson Yabut, Hepe ng MPD-Station 11 (Binondo) sa mga distributor ng ATM ay bunsod sa pagkakaaresto ng dalawang miyembro ng”Ipit-ATM “ gang noong Lunes habang papalabas sa isang ATM booth sa Binondo, Manila. Kabilang sa mga kompanya na distributor ng ATM booth sa mga bangko ay ang Siemens at  NCR.

Ayon pa kay Yabut, kabilang sa mga napag-usapang pagba­bago ay ang reprogram ng monitor kung saan sa pagbukas pa lamang ng screen ng ATM ay nakasaad na ang babala sa mga kostumer  hinggil sa posibleng pagkakaipit ng kanilang pera ; pa­nga­lawa ay ang pagbabago ng clearance mula sa metal gadget na nilalabasan ng cash upang hindi malagyan ng glue ng mga suspek at maiwasan ang hindi paglabas ng pera  at ang paglalagay ng 24 hours na guwardiya sa mga ATM booth.

Matatandaan na naalarma ang MPD makaraang dalawang insidente ng “Ipit ATM” ang naganap sa Maynila kung saan ang unang insidente ay ang isang opisyal ng MPD ang naging biktima na naipit ang halagang P10,000 mula sa Bank of Philippine Island (BPI) U. N. Avenue, Branch at ang pinakahuli ay ang pagkaka­aaresto sa mga suspek na sina Bobby Tibo, 25; at Edwin Derla, 38. Nakuha sa kanilang pag-iingat ang halagang P2,500 cash na may bakas pa ng glue sa  pera na  withnidraw ng kostumer na si Rowel Tagoldol, 34 mula sa BPI Lavesarez, Binondo Branch. (Grace dela Cruz)

ATM

AUTOMATED TELLER MACHINE

BANK OF PHILIPPINE ISLAND

BINONDO

BINONDO BRANCH

BOBBY TIBO

IPIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with