^

Metro

Di nagbayad ng hapunan, tinarakan ni Kapitan

-

Dahil sa hindi pagbabayad ng kinaing hapunan, dalawang mister ang nasa malubhang kalagayan  makaraang kapwa undayan ng saksak ng kanilang barangay chairman, kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Kapwa nilalapatan ng lunas sa intensive care unit (ICU) ng Pasay City General Hospital bunga ng mga   saksak sa dib­dib ang mga biktimang sina Enrico Buganan, 48, pintor, at Ferdinand Duterte, 30, kapwa   residente ng 1918 Tramo St., ng nabanggit na lungsod.

Samantala, iniimbestigahan naman sa tanggapan ng Station Investigation & Detective Ma­nagement Section (SIDMS) ang Brgy. chairman na si Rodolfo Miguel ng 57, Zone 8, at ang pa­mangkin nitong si Christopher Miguel na kasapakat umano ng suspect sa nasabing insidente.

Nabatid sa imbestigasyon  na unang nagkaroon ng pag­tatalo ang biktimang si Buganan sa may-ari ng canteen na kina­inan ng mga biktima na kinila­lang si Aling Nelia Salas sa Tramo St., Pasay City.

Napag-alaman na si Buga­nan ay kumain ng halagang P36 na hapunan at hindi umano nito binayaran na naging ugat ng alitan.

Sa gitna ng pagtatalo, du­mating si Kapitan Miguel at ang pamangkin nitong si Christo­pher at umano’y pinagtulu­ngang suntukin ng mga ito ang biktima sa mukha, hindi pa umano na­ siyahan ang una at inun­dayan pa ng saksak sa dibdib si Buga­nan hanggang sa du­guan itong humandusay sa lupa.

Sa puntong ito, tinangka naman ni Duterte na awatin ang kapitan, subalit siya ay pinag­sasaksak din ng una sa dibdib. (Rose Tamayo-Tesoro)

ALING NELIA SALAS

BUGA

CHRISTOPHER MIGUEL

DETECTIVE MA

SHY

TRAMO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with