^

Metro

Bentahan ng isda hihina

-

Labis na naalarma  ang ilang  mga may-ari ng con­signacion sa Malabon Fish Market at Navotas Fish Port Complex na posibleng malugi o maapektuhan ang benta ng kani-kanilang kalakal na isda dahil sa paglubog ng M/V Princess of the Star na pag-aari ng Sulpicio Lines sa kara­ga­tang nasasakupan ng Rom­blon kung saan ma­rami ang namatay na pasahero.

Ayon sa mga may-ari ng consignacion sa dala­wang malaking bagsakan ng isda sa Metro Manila, po­sibleng maulit ang ka­nilang naranasan nang mag­karoon ng sakuna sa dagat at magbanggaan ang M/V Doña Paz at oil tanker noong December 1987.

Ito’y dahil umano sa pa­ngamba ng mga mami­mili na nakakain ng karne ng tao ang mga isdang na­huhuli, kung kaya’t marami ang hindi bumili ng isda.

Nabatid pa sa mga ito, naulit din ang paghina ng benta ng kanilang isda nang muling magkaroon ng sakuna sa dagat nang  lumubog ang M/V Doña Marilyn noong 1988.

Kahapon ng madaling- araw, bagama’t hindi pa naapektuhan ang benta ng isda sa dalawang lugar ay nag-aalala ang mga may-ari ng consignacion na po­sibleng sa mga darating na araw ay maapektuhan na ang kanilang benta. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

LORDETH BONILLA

MALABON FISH MARKET

METRO MANILA

NAVOTAS FISH PORT COMPLEX

SHY

SULPICIO LINES

V DO

V PRINCESS OF THE STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with