Bentahan ng droga sa Embassy pinabubusisi
Pinaiimbistigahan ng Association of Barangay Chairmen ng Taguig ang umano’y talamak na bentahan ng droga at ngayon naman ay ang napabalitang sugalan sa Embassy Club sa The Fort sa nasabing lugar.
Sa isang liham na ipinadala kay Taguig Mayor Freddie Tinga, sinabi ng asosasyon na nakakaalarma ang pagkikibit-balikat ng awtoridad sa pagbubunyag ng Australian expat na si Brian Gorell na nagsabing nagkalat ang droga sa Embassy Club particular na ang cocaine.
Maaalalang sa kanyang internet blog sa http://delfindjmontano.blogspot.com sinabi ni Gorell na malimit na tambayan ng high society na “Gucci Gang” ang Embassy Club kung saan madaling makabili ng droga.
Sinabi ni Alfonso Juico, opisyal ng ABC, na kinokondena nila ang droga sa kanilang lugar at patuloy nilang baban tayan ang ganitong bisyo na nakasisira sa buhay ng maraming kabataan at pamilya.
Pinaiimbestigahan din ng ABC ang umano’y sugalan sa nasabing establisimento. Na pabalita kamakailan na may gaganapin na 8-week series na Poker Tournament sa Embassy Club na magsisimula nitong darating na Hulyo.
“May ordinansa kami sa Taguig na nagbabawal sa sugal kaya hindi maaari ito, kaya ito’y pinaiimbestigahan namin sa mga kinauukulan,” ani Juico.
Ang Philippine Poker Tour na nag-ooperate ng Poker games ay pinangungunahan umano ni Ben dela Cruz at pagmamay-ari ng isang Hapon na si Paul Hirakawa.
Sa isang panayam naman sa Embassy Club, sinabi ng isang empleyado nito na humiling na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan na pawang paninira lamang sa kanilang kumpanya ang mga lumalabas na balita na may droga sa Embassy Club.
“Maliwanag na paninira lamang ito ng ilang mga kampo dahil sa tagumpay na natatamo ngayun ng Embassy Club,” pahayag pa niya.
- Latest
- Trending