Planong lagyan ng micro-chips ng Metropolitan Manila Development Authority ang lahat ng mga provincial buses pati na ang mga pampasaherong jeep upang maiwasan umanong mag-out of route ang mga ito. Ayon sa MMDA, ang nasabing hakbang ay isa umano sa pinakamabisang paraan para lalong maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila. (Rose Tamayo-Tesoro)