Pinagtanggol ang kaibigan tinodas

Isang 33-anyos na binata  na ipinagtanggol ang kasama niyang ba­bae sa ginawang pamba­bastos ng isang grupo ng kala­lakihan ang pinagpa­palo ng baseball bat hang­­gang sa mapatay ng mga suspect kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang nasa­wing biktima na si Ale­jan­dro Tadia, ng #150 Pahati St., Balut, Tondo, Manila.

Isang follow-up ope­ra­tion naman ang inilun­sad ng pulisya laban sa mga suspek na kinilalang si Victor Hepte, 19;  Rodel Basco, 18; isang alyas RJ  at isang Alejo na mabilis umanong tuma­kas matapos mapatay ang biktima.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng mada­ling-araw nang mapa­daan ang grupo ng bik­tima sa eskinita, panu­lukan ng Ampioco At Pau­lino Sts., Balut, Tondo, nang bastusin ng grupo ng suspek. Binastos ng mga suspect ang baba­eng kasama ng biktima.

Sinabi nina Patrick David at Christopher Arce, mga kasama ng bik­tima na nagalit ang huli kaya kinompronta ang mga suspek subalit sinagot ito ng pambabato ng mga boteng basyo. Kasunod pa nito ang paglusob ng grupo ng sus­­pek at ma­ bilis na pi­nagpapalo ng baseball bat habang ang iba ay nagtulong sa pana­naksak sa biktima. (Ludy Bermudo)

Show comments