Pinagtanggol ang kaibigan tinodas
Isang 33-anyos na binata na ipinagtanggol ang kasama niyang babae sa ginawang pambabastos ng isang grupo ng kalalakihan ang pinagpapalo ng baseball bat hanggang sa mapatay ng mga suspect kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang nasawing biktima na si Alejandro Tadia, ng #150 Pahati St., Balut, Tondo, Manila.
Isang follow-up operation naman ang inilunsad ng pulisya laban sa mga suspek na kinilalang si Victor Hepte, 19; Rodel Basco, 18; isang alyas RJ at isang Alejo na mabilis umanong tumakas matapos mapatay ang biktima.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng madaling-araw nang mapadaan ang grupo ng biktima sa eskinita, panulukan ng Ampioco At Paulino Sts., Balut, Tondo, nang bastusin ng grupo ng suspek. Binastos ng mga suspect ang babaeng kasama ng biktima.
Sinabi nina Patrick David at Christopher Arce, mga kasama ng biktima na nagalit ang huli kaya kinompronta ang mga suspek subalit sinagot ito ng pambabato ng mga boteng basyo. Kasunod pa nito ang paglusob ng grupo ng suspek at ma bilis na pinagpapalo ng baseball bat habang ang iba ay nagtulong sa pananaksak sa biktima. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending