Muling ikinasa ng mga kompanya ng langis ang panibagong oil price hike simula kahapon ng madaling araw, ito ang ika-16 na beses na pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong taong ito.
Dakong alas-12:01 ng madaling araw kahapon ng simulan ng Pilipinas Shell ang halagang P1.50 kada litrong pagtaas sa presyo ng kanilang gasolina, diesel at kerosene na sinundan ng UniOil, Eastern Petroleum, Chevron at Caltex dakong alas-6 ng umaga.
Ayon sa mga tagapagsalita ng mga kompanya ng langis, ang lingguhang oil price hike ay bahagi pa rin ng kanilang under recoveries dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ng mga nakaraang buwan.
Dahil sa panibagong pagtaas ng presyo ng petrolyo, papalo na sa P60 ang presyo ng ga solina kada litro habang P50 naman ang presyo ng diesel.
Inaasahan namang susunod pa ng kaparehas ding pagtaas ang iba pang kompanya ng langis. (Edwin Balasa at Rose Tamayo)