^

Metro

Imbestigasyon sa sanggol na inihagis sa gusali, pinaigting

-

Luminol examination ang susi upang matukoy kung saan nagmula ang sanggol ng inihagis mula sa isang gusali sa Binondo, Maynila.

Ayon kay Det. Richard Lumbad ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, makikipag-ugnayan sila sa MPD-Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) upang magsagawa ng luminol examination upang matukoy kung saan nagmula ang blood stain ng sanggol bago ito natagpuan sa bubong ng isang kiskisan sa San Fernando St., Binondo, Maynila.

Dagdag pa ni Lumbad, sa kasalukuyan ay nakatutok ang kanilang imbestigasyon sa Gold Rich Mansion sa kanto ng Jaboneros at Madrid Sts., Binondo kung saan posibleng nagmula ang sanggol. Ayon pa kay Lumbad, sa pamamagitan ng nasabing eksaminasyon matutukoy ang pinag­mulan ng sanggol makaraang wala ni isa mang saksi ang gustong magsalita.

“May kasabihan na hindi nagsisinungaling ang ebidensiya. Kung gagamitan ng luminol exami­nation siguradong hindi na makakatanggi ang may-ari ng kuwartong pinanggalingan ng bata” ani Lumbad.

Ang luminol examination ay isang pagsusuri kung saan gagamitan at papahiran umano ng isang kemikal ang mga bintana ng gusali at  sa pama­magitan nito ay matu­tukoy ang partikular na pa­lapag at kuwarto na pinagmulan ng sanggol.

Sa kasalukuyan ay nakatuon ang kanilang imbesti­gasyon mula sa 8th floor hanggang 11th floor ng natu­rang building na posibleng pinagmulan ng sanggol nang nadiskure ito dakong alas-11 ng umaga noong Hunyo 17, 2008.  Nakatuon din ang pagsi­siyasat ng pulisya sa kung sinong ina ang nagtapon at pumatay sa sariling anak. (Grace dela Cruz)

AYON

BINONDO

GOLD RICH MANSION

HOMICIDE SECTION

LUMBAD

MADRID STS

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with