^

Metro

OFW patay sa liposuction

- Danilo Garcia -

Isang  babaeng Overseas Filipino Worker (OFW) ang na­sawi sa hindi pa mabatid na dahilan habang isinasailalim sa operasyon sa liposuction sa isang klinika sa Quezon City kamakalawa.

Idineklarang patay dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi sa loob ng Borough Medical Care Institute sa loob ng Cyber One Bldg. sa Eastwood Cyber­park along E. Rodriguez Jr. Avenue, Libis ang biktimang na­kilalang si Mary Jane Arciaga, 29, isang OFW buhat sa Dubai at residente ng Muntinlupa City.

Hawak naman ngayon ng Quezon City Police District-Cri­mi­nal Investigation and Detec­tion Unit ang limang medical prac­titioner na nag-opera sa bik­tima na nakilalang sina Drs. Lo­renzo Peregrina (cosmetic-plas­tic surgeon), Mylene Tan (anes­the­siologist) at Joel Pun­zon (sur­ geon).  Kabilang din dito ang mga nurse na sina Fiona Fran­cisco at Joanna Melissa Tabiando.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, sinabi ng mga kaanak ni Arciaga na dakong alas-11 ng tanghali nang magtungo sa naturang klinika ang biktima upang suma­ilalim sa operasyon para sa pag­papapayat  Nagulat na lamang sila nang ipaalam sa kanila na nasawi ang biktima habang isinasailalim sa operasyon.

Isinasailalim ngayon ng pu­lisya sa awtopsiya ang bangkay ng biktima upang mabatid ang dahilan ng pagkasawi nito. 

Sinabi ni QCPD-CIDU chief, Sr. Supt. Franklin Mabanag na par­tikular na titingnan nila kung nasawi si Arciaga sa “anes­thesia overdose”.

Sinabi pa nito na base sa mga eksperto, kailangan munang sumailalim sa medical examina­tion ang isang pasyente isang araw bago operahan ito upang matiyak kung kakayanin ng ka­tawan.  Sa kabila nito, niliwanag rin ni Mabanag na sumailalim na rin sa matagumpay na lipo­suction operation ang biktima noong nakaraang taon.

Kinukuwestiyon naman ng pamilya ni Arciaga ang mga doktor kung bakit sa naturang kli­nika lamang isinailalim sa ope­rasyon ang biktima.  Bakit rin umano hindi ito isinugod sa pa­ga­mutan nang mag-kritikal na ito.

Inihahanda naman ng QCPD ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence re­sulting to homicide habang hini­hintay ang resulta ng naturang awtopsiya.

ARCIAGA

BOROUGH MEDICAL CARE INSTITUTE

CYBER ONE BLDG

EASTWOOD CYBER

FIONA FRAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with