5 sugatan sa shotgun ng pulis

Lima-katao, kabilang ang isang 4-anyos na bata ang na­sugatan makaraang mag­habu­lan ang isang pulis at isang residente sa Taguig City, ka­hapon ng hapon.

 Batay sa ulat ng pulisya, pasado alas-3 ng hapon nang mangyari ang nasabing insi­dente sa Maharlika Village, na­banggit na lungsod.

Sa inisyal na ulat, unang hina­bol ng umano’y isang pulis na na­kuha lamang sa pa­nga­lang PO1Jet Pa­guyo ang isang nag­nga­ngalang Faizal Endeng.  Ang nasabing senaryo ay na­saksihan naman umano ng mga kamag-anak ni Faizal kung saan ilan sa mga ito ay nag­tang­kang harangin ang suspect.

Nabatid na sa hindi ina­asa­hang pagkakataon ay na­dapa ang suspect na noon ay bitbit ang baril na shotgun, da­hilan upang aksidenteng pumu­tok ito na naging dahilan upang ta­maan naman ang ilang mi­yem­bro ng pamilya ni Faizal na hu­ma­rang sa una.

Kabilang sa mga tinamaan ay ang 4-anyos na si Ebrahim Endeng na kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon sa Rizal Provincial Hospital   bunga ng isang tama ng bala sa ulo buhat sa baril ng sus­pect, Habib Basil, 10; Mike Sabale, 39; at dalawa pa mula sa pamilya Basil.

Isang masusing imbesti­gas­yon naman ang isinasa­gawa ng Taguig City Police hinggil sa na­sabing insidente. (Rose Ta­mayo-Tesoro)

Show comments