^

Metro

P9-M ebidensiya sa droga natupok

- Danilo Garcia -

Umaabot sa P9 na mil­ yon ang halaga ng mga “drug production machines” at mga kemikal na ebiden­sya ang natupok matapos na sumiklab ang sunog sa “evidence room” ng Philip­pine Drug Enforce­ment Agency kahapon ng ma­daling-araw sa Quezon City.

Sa inisyal na ulat, da­kong alas-3 ng madaling-araw nang masunog ang evidence room ng ahensya.  Umabot lamang sa unang alarma ang sunog kung saan naapula ng mga bum­bero dakong alas-6 na ng umaga.

May 20 “bilanggo” ng ahen­­sya na nakaditine malapit sa kuwartong nasu­­sunog ang inilipat ng lugar dahil sa ma­tinding usok at masangsang na amoy ng mga kemikal.  Wala namang naiulat na na­saktan sa insidente.

Hindi pa naman mabatid ng mga imbestigador ang pinagmulan ng naturang apoy habang nagsasagawa pa ng masusing imbesti­gasyon at imbentaryo sa mga nasunog na ebidensya.

Tiniyak naman ni PDEA Di­rector General Sr. Under­sec­retary Dionisio Santiago Jr. na hindi makakaapekto ang pag­ka­sunog ng mga ebiden­sya sa takbo ng kaso sa mga na­aresto nilang suspek dahil sa may kopya naman sila ng mga ito.

Idinagdag pa nito na naka­takda na nilang wasa­kin ang mga ito at “court order” na lamang ang hini­hintay bago maganap ang sunog.  Nilinaw rin ni San­tiago na walang “fi­nished product” na shabu na na­kaimbak dito kung saan pawang mga kemikal at mga equipments lamang ang nasa loob. Kabilang sa mga na­tupok ay P3-milyong halaga ng ephedrine, P2 milyong halaga ng acetone at iba pang ke­mi­kal; mga drug making equip­­ments at ilang tangke na nag­lalaman ng “liquefied petroleum gas”.

Hinihinala ni PDEA Spokes­man Derrick Car­reon na posibleng aksidente ang sunog dahil sa reaksyon ng mga kemikal o maaaring pagsingaw ng LPG dahil sa maalinsangang panahon sa kulob na kulob na kuwarto.

Isa namang opisyal ng Bureau of Fire Protection na ayaw magpabanggit ng pa­ngalan ang nagpahayag ng hinala na  gawa ng ilang tiwa­ling opisyal ng PDEA ang sunog para pagtakpan ang ma­anomalyang re­cycling business sa mga nakukum­pis­kang shabu.

“Papaano magkaroon ng chemical reaction, eh, ephe­drine (a vital ingredient in me­tham­phetamine hydro­chlo­ride) at acetone lang naman ang nandoon,” sabi ng opisyal.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DERRICK CAR

DIONISIO SANTIAGO JR.

DRUG ENFORCE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with