^

Metro

2 holdaper dedo sa shootout

-

Patay ang dalawa sa  walong holdaper na tumangay sa P100-libong  cash ng isang negosyanteng Tsinoy, sa Binondo, Maynila kahapon ng umaga.

Nakilala ang mga nasawing suspect na sina Rodolfo Guibao, 33, at Porfirio Aguilan matapos na makipag­palitan ng putok sa mga kagawad ng pulisya.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang MPD laban sa mga kasamahan ng  napatay na mga suspek na sinasabing nakatakas sakay ng tatlong motorsiklo.

Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa may panulukan ng Elcano at Asuncion Sts., Tondo habang ang   biktimang si Mariano Go, 49, may-asawa, negosyante ay patungo sa Allied Bank-Sto. Cristo Branch,  na may bitbit na plastic bag kung saan nakasilid ang nasabing salapi nang biglang nilapitan ng mga suspek at nagdeklara ng holdap habang nakatutok ang mga baril.

Natiyempuhan umano ito ng mga nagpapatrulyang tauhan ng pulisya gayunman nang mapansin ng mga suspek ang papalapit na mga operatiba ay bigla silang pinaputukan na nauwi sa engkwentro hanggang sa tumumba ang dalawa sa mga ito. Bigo ang pulisya na marekober ang salapi na hinihinalang bitbit ng mga nakatakas na mga suspek. Narekober sa dalawang suspek ang isang kalibre 38, Colt 45, basyo ng bala. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ALLIED BANK-STO

ASUNCION STS

CRISTO BRANCH

LUDY BERMUDO

MARIANO GO

PORFIRIO AGUILAN

RODOLFO GUIBAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with