^

Metro

3 natusta sa kuryente

-

Nasawi ang dala­wang magkapitbahay nang ti­nangka nilang iligtas ang isang binatilyong na­matay sa pagkakakuryente ha­bang nagnanakaw ng kable kahapon ng mada­ling-araw sa Muntinlupa City.

Hindi na umabot ng buhay sa Taguig-Pateros Hospital ang mga bikti­mang sina Raymond Se­quillas, at Dennis Desem­brana, 36, kapwa resi­dente ng Upper Sucat, Apposa­das Village sa naturang lungsod matapos matusta ang bahagi ng katawan bunga ng pagpasok ng ma­taas na boltahe ng kuryente.

Hindi naman nadala sa naturang pagamutan ang hindi pa nakikilalang bang­kay ng  binatilyo na nasa pagitan ng edad na 15-18, walang damit pang-itaas at nakasuot ng maong na pantalon bunga na rin ng agarang pagka­sawi nang sumabit ang katawan sa inakyat na poste.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insi­dente dakong alas-12:30 ng madaling-araw, malapit sa tirahan ng dalawang mag­ka­pitbahay sa Aposa­das Village. Bigla umanong naputol ang supply ng kuryente sa naturang lugar kaya’t luma­bas ng bahay ang dala­wang biktima kung saan nakita nila ang bina­tilyo na nakalambitin sa poste na palatandaang nag­nana­kaw ng kable.

Umuusok umano ang kamay at paa ng binatilyo kaya’t sa hangaring iligtas ang kawatan ng kable, hinawakan ng magkapit-bahay ang nangingisay na katawan nito na naging dahilan upang gumapang din sa kanilang katawan ang mataas na boltahe. (Lordeth Bonilla)

APOSA

APPOSA

DENNIS DESEM

LORDETH BONILLA

MUNTINLUPA CITY

RAYMOND SE

SHY

TAGUIG-PATEROS HOSPITAL

UPPER SUCAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with