^

Metro

6 pulis-Maynila inireklamo ng mag-iina

-

Anim  na pulis-Maynila ang nahaharap sa kasong kriminal mata­pos na ireklamo ng isang pamilya na kanilang inaresto, tinakot at tutukan ng baril matapos na napagkamalang mga suspek ng panghoholdap sa Sampaloc, Maynila.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) si Luningning Alix, 47; kapatid nitong si Robert Javier, 45, isang overseas Filipino worker; anak nitong sina Andrew, 26; at Niko Alix, 17, estudyante, pawang residente ng  965 D. Antipolo St., Sampaloc, Manila at inireklamo ang anim na pulis-Maynila na pawang nakatalaga sa MPD-Station 4 (Sampaloc).

Batay sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa harapan ng bahay ng pamilya Alix. Sinabi  ni Luningning sa pulisya na galing sila sa paki­­kipaglamay sa isa nilang kamag-anak at naglalakad patungo sa kanilang bahay nang paradahan sila ng anim na pulis na pawang nakasakay sa isang patrol at nakauniporme ng type B uniform.

Pagbaba umano ng mga pulis ay pilit na inaakusahan ang kanyang dalawang anak na umano’y nangholdap sa dalawang kababaihan na sakay ng kanilang patrol jeep. Inilarawan umano ng mga biktima ng holdap na kalbo umano ang gupit ng buhok ng mga suspek na nagkataon namang kapwa kalbo rin ang gupit ng buhok ng kanyang mga anak.  Pinaluhod umano ng mga pulis ang kanyang mga anak, tinu­tukan ng mahahaba at maiiksing baril at puwersahang inaaresto at pakaladkad na dinala sa kanilang patrol car. Gayunman, pinaka­walan din ng mga suspek sina Andrew at Niko makaraang sabihin ng mga biktima na hindi sila ang nangholdap sa kanila.

Ayon kay Luningning, kilala umano niya ang anim na pulis kung ihaharap sa kanila dahil madalas umanong magpatrulya ang mga ito sa kanilang lugar. Nangako naman si MPD District Director Roberto Rosales na kung matutukoy ng mga biktima ang anim na pulis-Maynila ay makaka­asa ang mga ito na mahaharap sa kaukulang kaso ang mga ito. (Grace dela Cruz)

ANTIPOLO ST.

DISTRICT DIRECTOR ROBERTO ROSALES

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

LUNINGNING

LUNINGNING ALIX

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with