^

Metro

Pasaway na bus driver ipoposas ni BF

-

Gagamitan ng  kamay na bakal ng Metro Manila Develop­ment Authority (MMDA), ang mga pasaway na bus driver kung saan  bibitbitin ang mga ito   pababa ng sasakyan at ipo­posas  sa railings  at ipaaaresto sa pulisya kung lalabag sa batas trapiko sa kahabaan ng EDSA, Quezon City.

Ito naman ang naging ba­bala ni MMDA Chairman Bayani Fernando laban sa mga tsuper ng bus na patuloy na lumalabag sa traffic laws sa layuning mapa­luwag ang daloy ng trapiko sa lugar na nabanggit.

Ayon kay Fernando, sapat na ang information campaign na ginawa ng MMDA para maintin­di­han ng mga bus driver ang tama at mali kaya’t panahon na para pairalin ito ng ahensiya. Ang hakbang ng MMDA ay bunsod ng reklamong tinatang­gap   nila mula sa mga motorista na nagbabara na naman ang  tra­piko sa  Cubao, Ayala, Orti­gas, Crossing, Kamias dahil nag­bababad dito ang mga  pa­saway na bus drivers para maka­­kuha ng pasahero.

“Kapag hindi sila umabante sa sandaling senyasan sila ng aming traffic enforcers, aakyatin namin sila, hihilahin sa manibela at ibaba ng bus, ipoposas  sa railing ng daan at ipaaaresto ko  sa pulisya at pagkababa ng  mga pasahero ay ipamama­neho ko sa aking tauhan ang bus patungo sa impounding area,”ani Fernando.

Binalaan din ni Fernando ang mga pasaway  na  tsuper na huwag magtangkang luma­ban dahil hindi aniya natatakot ang MMDA sa kanila.

Nauna rito, magugunita na nagbanta noon si Fernando na aarmasan niya ng itak ang mga traffic enforcer ng MMDA para ma­idepensa ang kanilang  sarili sa mga pasaway na driver. (Doris Franche at Rose Tamayo-Tersoro)

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

DORIS FRANCHE

FERNANDO

METRO MANILA DEVELOP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with