Fetus sa lata ng gatas

Isang apat-na-buwang fetus ang natagpuan na naka­lagay sa isang lata ng gatas kamakalawa ng gabi sa Binondo, Maynila sa report ng pulisya, dakong 10:30 ng gabi nang nadiskubre ng isang Ellen Uy ang tinatayang 4-5 buwan na lalaking fetus sa kanto ng Juan Luna at Recto Ave., sa Binondo. Naglalakad umano si Uy sa naturang lugar nang makatawag-pansin sa kanya ang isang lata ng gatas na nakakalat sa naturang lugar kaya naisipan nitong damputin. Inakala umano nitong gatas ang laman dahil mabigat ito subalit nang kanyang buksan ay halos maduwal si Uy nang makitang fetus ang laman nito. Ang fetus ay kasalukuyang naka­lagak sa Universal Funeral Parlor. (Grace dela Cruz)

Show comments