^

Metro

1 pang baby patay sa OsMak

-

Muli na namang nadagdagan ang bilang ng mga sanggol na nasawi sa kumakalat na toxin o bacteria na nagdadala ng sepsis sa Ospital ng Makati (OSMAK).

Batay sa ulat, pasado alas-4 ng madaling-araw kahapon nang masawi ang sanggol na itinatago sa pangalang “Baby Angel” makaraang iluwal ito ng kanyang ina sa  nasabing ospital.

Bunga nito ay umaabot na sa 66 ang mga sanggol na kumpir­madong nasawi sa sepsis sa nabanggit na ospital sa loob lamang ng apat na buwan.

Lumalabas naman sa mismong talaan o log book ng OSMAK na mula noong January hanggang May, 2008 ay umabot sa 181 sanggol na ipinanganak sa kanilang ospital ang positibong kinapitan ng sepsis at pang-pito si Baby Angel  sa nasawi sa loob lamang ng buwang ito.

Bunga nito, pinag-iisipan naman ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagdeklara na ng sepsis outbreak sa nabanggit na ospital bunga ng nakakaalarma ng sitwasyon. (Rose Tamayo-Tesoro)

BABY ANGEL

BATAY

BUNGA

DEPARTMENT OF HEALTH

LUMALABAS

MAKATI

MULI

OSPITAL

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with